Linggo, Agosto 4, 2019

PAKIKIPANAYAM




Anong Pangalan?

Ø  Chelsie A. Mercado

Taong gulang?

Ø  54

Saan nakatira?

Ø  Mararigue, San manuel, Isabela

Anong natapos?

Ø  High School

Anong trabaho?

Ø  Barangay Health Worker (BHW)

Masaya ka ba sa iyong trabaho?

Ø  Oo. Dahil una sa lahat, dito nanggagaling ang ilan sa aming mga gastusin at pangalawa, marami akong natutulungan sa ating komunidad.

Magkano ang sweldo kada buwan?

Ø  P1,000

Ilan ang inyong anak?

Ø  8

Kasya ba ang inyong sweldo para tustusan ang inyong mga pangangailangan?

Ø  Hindi dahil napakaliit na lamang ang nabibili ng P1,000 ngunit kailangang pagkasyahin kaya kadalasan nagtitipid kami.

Mayroon ka bang Sideline?

Ø  Wala

Anong trabaho ng asawa?

Ø  Farmer

Sa inyo ba yung bukid?

Ø  Hindi, porsiyentohan lang.


Bilang isang BHW, ano ang iyong maipapayo sa mga magulang para sa kalusugan ng kanilang mga anak?

Ø  Bilang isang BHW, ang tanging maipapayo ko lang ay dapat maging aware sila sa kalusugan ng anak at kung may karamdaman ito, wag dapat silang mahihiyang magtanong at humingi ng gamot.





Martes, Hulyo 30, 2019

BIONOTE



o   ISANG MAIKLING IMPORMATIBONG SULATIN


o   Ang  bionote  ay isang maiksing tala ng personal na impormasyon ukol sa isang magtatanghal o sinumang magiging panauhin sa isang kaganapan (event, seminar, symposium, mga  patimpalak at / o sa gig). Kadalasan na may makikitang bionote sa likuran ng pabalat ng libro na may kasamang larawan ng awtor o ng may-akda.



Divine R. Organista, ipinanganak noong Desyembre 16, 2001. Noo'y nakatira sa Agbannawag, Rizal, Nueva Ecija ngunit lumipat sa Mararigue, San Manuel, Isabela para mag aral. Sa Malalinta National High School siya natapos ng sekondarya. Nagtapos sa paaralan ng Isabela State University ng Echague Campus bilang Cumlaude sa kursong Culinary Arts sa taong 2023-2024 Nanirahan siya sa Baguio City at paminsan-minsan bumibisita sa kanyang bahay sa Canada. Maraming lugar na ang kanyang mga napuntahan para sa mga kompetisyon at kabilang na rito ang Korea, Canada, China at marami pang iba. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa Hong Kong. Naparangalan siya bilang Champion of Chinese Cuisine Culinary Competition noong December 16, 2019.

     Referensis
     Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/411196#readmore



Lunes, Hulyo 29, 2019

ABSTRACT


*      

  •  Ang kahulugan ng abstrak ay paglalahad ng problema o suliranin, metolohiya, at resulta ng pananaliksik na isinagawa. Dito rin nakasaad ang konklusyon at rekomendasyon ng pananaliksik.  
  • *      Ang abstrak ay isang maikling buod ng isang artikulo, ulat, pag-aaral, at pananaliksik na makikita bago ang introduksiyon. Nakasulat dito ang mahahalagang bahagi.  



TRANSISYON SA PAGBAGTAS AT PAGYAKAP BILANG MANUNULAT SA AMANUNG KAPAMPANGAN

Reggie O. Cruz
Northville15 Integrated School
DepEd- Angeles City
Ang pag aaral na ito ay transisyon ng mga walong napiling respondente sa pagbagtas at pagyakap nila bilang manunulat mula sa Filipino patungong pagkatuto sa Amanung Kapampangan. Ang pag aaral ay isang mixed method sa pagdulog na explanatory sequential (Creswell, 2013) na babagtasin ang kwantitatibo patungong kwalitatibo upang mabuo ang isang teoretikal na balangkas na tutulong sa isang binubuong larawan ng transisyon ng pagsusulat. Dumaan sa tatlong bahagi ang pananaliksik mula sa pagbuo ng apat na buwang programa sa pagsulat sa Kapampangan hanggang sa pagtataya ng implementasyon nito. Sa isahang interbyu mula sa walang respondent ay dumaan sa masusing transkripsyon upang makuha ang mga pangunahing mga tema.  Pinag ugnay ang mga kwantitatibo, kwalitatibong mga datos at kaugnay na literature sa pagbuo ng isang teoretikal na balangkas sa matagumpay na transisyon ng pagsulat. Nabuo ang isang teoretikal na balangkas na kinapapalooban ng suportang teknolohiya, paaralan, komunidad, gurong tagapagsubaybay at pansariling kagustuhan ng manunulat upang matagumpay namabagtas, mayakap ang transisyon ng pagiging manunulat sa Amanung Kapampangan.

Referensis:
*      Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/605377#readmore




Sintesis o Buod



  • Ang sintesis o buod ay ang paglalahad ng anumang kaisipan at natutunang impormasyong nakuha mula sa tekstong binasa sa pagkakasunod sunod na panyayare.ito ang pinakamahalagang kaisipan ng anumang teksto.Marapat lamang na maging malinaw sa pagpapahayag.Ang sintesis ay bahagi ng metodong diyaletikal kaugnay ng pagbuo ng katuwiran.


"CYBERBULLYING"
ni Divine R. Organista

Sa panahon natin ngayon, hindi mawawala ang mga bully at mga nangaaway/nangbabatikos sa atin, ngunit ang teknolohiya ay nagbigay sa kanila ng isang buong bagong pamamaraan upang makapang-away sa ibang tao. Sa bawat nang ccyberbully ay may kanya kanyang kwento sa likod ng buhay nila kung bakit sila nagiging ganun. Kung minsan gusto lang nila, o nakagisnan na nila, o minsan randam nila yung superiority sa Cyber World.
Sa pag-aaral na ito, ang ninanais ko malaman ng bawat isa ay kung papaano inaayos ng mga taong nakakadanas nito ang pangbabatikos ng bawat isa. At papaano makaka-apekto ito sa buhay ng ibang tao.
Ayon sa aking na obserbahan, marami ang nakakaranas ng cyberbullying, napapabilang dito ang karamihan ng mga kabataan at mga artista, ito ay lalong lalo na sa social networking sites na katulad twitter, facebook, instagram, o ask.fm. Mayroon mga iba't ibang epekto pag nakaranas nito at ang pinakamalala sila ay maaring gumamid ng alcohol, droga, bumaba ang mga grado at bumaba ang self-confidence. Mayroon naman din nagsasabi na ito din ay isang paraan upang makapagpatatag ng isang tao.


Talumpati


“Pagsubok”
talumpati ni
Divine R. Organista
Minsan ba sa sa buhay mo naisipan mo nang sumuko? Minsan ba naramdaman mong pagod na pagod kana at parang ayaw mo ng ipagpatuloy pa ang laban na kinakaharap mo? Ano nga ba ang pinakamabigat na pagsubok na naranasan mo sa buong buhay mo? Minsan sa buhay natin, hindi talaga natin maiiwasan ang magkaproblema o magkaroon ng pagsubok dahil yan lang ang tanging bagay na permanente sa buhay ng mga tao.   Ang nagpapaalala kung gaano tayo katatag abutin man ng ilang kabanata. Hindi lang naman kase iisang kabanata ang tinatahak natin. At alam niyo bana sa bawat kabanata ay nasusukat ang katatagan natin na siyang nagiging basehan para patuloy na lumaban upang matapos ang problemang ito. Hindi pa dito nagtatapos ang kabanata ng buhay natin dahil habang tayo’y nabubuhay, tuloy tuloy yan. Walang katapusan. Bago mo isiping sumuko sa pagsubok na ito, isipin mo muna kung bakit mo sinimulan. Isipin mo lang na nanjan siya na gumagabay at handing making sayo sa ano mang oras. Wag kang matakot dahil lahat ng pagsubok ay may solusyon minsan nga lang yung iba ay masyado nang nabibigatan at marahil ay hindi na alam ang gagawin kaya tinatapos ang buhay na meron sila. Pagsubok lang yan. Manalig ka. Magtiwala ka.  Ating pakatatandaan mga kaibigan, ang problema o pagsubok ay isang motibasyon at hindi komplikasyon.


AGENDA



v  Ito ay mga plano o gawain na kailangang gawin.
v  Inililista ang mga paksang pag uusapan sa isang pagpupulong.

 Sudapraset (2014)
Ang adyenda ay nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong.


HALIMBAWA

GPTA Meeting sa Malalinta National High School

AGENDA:
1.  Batas ng Paaralan
2.    Report sa PTA
3.    Eleksiyon ng Homeroom PTA
4.    Iba pang mga isyu
5.    General PTA Eleksiyon
6.    Mga kaukulang parusa sa mga lumalabag sa batas o alituntunin

Katitikan ng Pulong


AGENDA:
  • Botohan ng PEERS Club Officers
  • Pagbuo ng mga proyekto
  • Paggawa ng action plan

MGA DUMALO:
  • Lahat ng mga nakabunot ng number 5 na estudyante mula Baitang-7 hanggang Baitang-12
DALOY NG PAGPUPULONG:
  • Naganap ang pagpupulong at eleksiyon sa loob ng silid-aralan ng Grade-12 Newton noong Hunyo 26, 2019 sa eksaktong 3:00 ng tanghali at natapos noong 5:00 ng hapon kasama ang aming Co-Adviser na si Ginoong Richard Esguerra.
MGA IBINOTO SA ELEKSIYON

PRESIDENT:                           Divine R. Organista
VICE-PRESIDENT:                 Carol Jane M. Canceran
SECRETARY:                         Rhea Mae Litorco
TREASURER:                         Krisitine Manzano
AUDITOR:                              Lyka Dela Vega
P.I.O:                                      Jay Mark Palac
P.O:                                         Christopher Domingo
BUSINESS MNGR:                Judeil Padua
Paul James Alicudo