Lunes, Hulyo 29, 2019

Sintesis o Buod



  • Ang sintesis o buod ay ang paglalahad ng anumang kaisipan at natutunang impormasyong nakuha mula sa tekstong binasa sa pagkakasunod sunod na panyayare.ito ang pinakamahalagang kaisipan ng anumang teksto.Marapat lamang na maging malinaw sa pagpapahayag.Ang sintesis ay bahagi ng metodong diyaletikal kaugnay ng pagbuo ng katuwiran.


"CYBERBULLYING"
ni Divine R. Organista

Sa panahon natin ngayon, hindi mawawala ang mga bully at mga nangaaway/nangbabatikos sa atin, ngunit ang teknolohiya ay nagbigay sa kanila ng isang buong bagong pamamaraan upang makapang-away sa ibang tao. Sa bawat nang ccyberbully ay may kanya kanyang kwento sa likod ng buhay nila kung bakit sila nagiging ganun. Kung minsan gusto lang nila, o nakagisnan na nila, o minsan randam nila yung superiority sa Cyber World.
Sa pag-aaral na ito, ang ninanais ko malaman ng bawat isa ay kung papaano inaayos ng mga taong nakakadanas nito ang pangbabatikos ng bawat isa. At papaano makaka-apekto ito sa buhay ng ibang tao.
Ayon sa aking na obserbahan, marami ang nakakaranas ng cyberbullying, napapabilang dito ang karamihan ng mga kabataan at mga artista, ito ay lalong lalo na sa social networking sites na katulad twitter, facebook, instagram, o ask.fm. Mayroon mga iba't ibang epekto pag nakaranas nito at ang pinakamalala sila ay maaring gumamid ng alcohol, droga, bumaba ang mga grado at bumaba ang self-confidence. Mayroon naman din nagsasabi na ito din ay isang paraan upang makapagpatatag ng isang tao.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento