“Pagsubok”
talumpati ni
Divine R.
Organista
Minsan ba sa sa buhay mo naisipan
mo nang sumuko? Minsan ba naramdaman mong pagod na pagod kana at parang ayaw mo
ng ipagpatuloy pa ang laban na kinakaharap mo? Ano nga ba ang pinakamabigat na
pagsubok na naranasan mo sa buong buhay mo? Minsan sa buhay natin, hindi talaga
natin maiiwasan ang magkaproblema o magkaroon ng pagsubok dahil yan lang ang
tanging bagay na permanente sa buhay ng mga tao. Ang nagpapaalala
kung gaano tayo katatag abutin man ng ilang kabanata. Hindi lang naman kase
iisang kabanata ang tinatahak natin. At alam niyo bana sa bawat kabanata ay
nasusukat ang katatagan natin na siyang nagiging basehan para patuloy na
lumaban upang matapos ang problemang ito. Hindi pa dito nagtatapos ang kabanata
ng buhay natin dahil habang tayo’y nabubuhay, tuloy tuloy yan. Walang
katapusan. Bago mo isiping sumuko sa pagsubok na ito, isipin mo muna kung bakit
mo sinimulan. Isipin mo lang na nanjan siya na gumagabay at handing making sayo
sa ano mang oras. Wag kang matakot dahil lahat ng pagsubok ay may solusyon
minsan nga lang yung iba ay masyado nang nabibigatan at marahil ay hindi na
alam ang gagawin kaya tinatapos ang buhay na meron sila. Pagsubok lang yan.
Manalig ka. Magtiwala ka. Ating pakatatandaan mga kaibigan, ang problema
o pagsubok ay isang motibasyon at hindi komplikasyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento