- Ang kahulugan ng abstrak ay paglalahad ng problema o suliranin, metolohiya, at resulta ng pananaliksik na isinagawa. Dito rin nakasaad ang konklusyon at rekomendasyon ng pananaliksik.
Ang abstrak ay isang maikling buod ng isang artikulo, ulat, pag-aaral, at pananaliksik na makikita bago ang introduksiyon. Nakasulat dito ang mahahalagang bahagi.
TRANSISYON SA PAGBAGTAS AT PAGYAKAP BILANG MANUNULAT SA AMANUNG
KAPAMPANGAN
Reggie O. Cruz
Northville15 Integrated
School
DepEd- Angeles City
Ang pag aaral na ito ay transisyon ng mga walong napiling respondente
sa pagbagtas at pagyakap nila bilang manunulat mula sa Filipino patungong
pagkatuto sa Amanung Kapampangan. Ang pag aaral ay isang mixed method sa
pagdulog na explanatory sequential (Creswell, 2013) na babagtasin ang
kwantitatibo patungong kwalitatibo upang mabuo ang isang teoretikal na
balangkas na tutulong sa isang binubuong larawan ng transisyon ng pagsusulat.
Dumaan sa tatlong bahagi ang pananaliksik mula sa pagbuo ng apat na buwang programa
sa pagsulat sa Kapampangan hanggang sa pagtataya ng implementasyon nito. Sa
isahang interbyu mula sa walang respondent ay dumaan sa masusing transkripsyon
upang makuha ang mga pangunahing mga tema. Pinag ugnay ang mga kwantitatibo,
kwalitatibong mga datos at kaugnay na literature sa pagbuo ng isang teoretikal
na balangkas sa matagumpay na transisyon ng pagsulat. Nabuo ang isang
teoretikal na balangkas na kinapapalooban ng suportang teknolohiya, paaralan,
komunidad, gurong tagapagsubaybay at pansariling kagustuhan ng manunulat upang
matagumpay namabagtas, mayakap ang transisyon ng pagiging manunulat sa Amanung
Kapampangan.
Referensis:
![*](file:///C:/Users/ST0A53~1/AppData/Local/Temp/8/msohtmlclip1/01/clip_image001.gif)
Salamat po sa pagsipi ng aking abstrak. :)
TumugonBurahin